Magboluntaryong tulungan ang iyong mga kaibigan, kapamilya at komunidad bago, sa oras at pagkatapos ng mga emerhensya.
Karamihan sa mga komunidad ay may Civil Defence Centre o hub para sa komunidad. Ang mga naninirahan doon ay maaaring magkita-kita sa Centre sa oras at pagkatapos ng emerhensya upang suportahan ang isa’t isa.
Sa isang emerhensya, ang mga sentrong pang-emerhensya ay magbubukas at patatakbuhin ng mga komunidad upang magkasama-sama ang mga tao para tulungan ang kanilang komunidad habang at pagkatapos ng emerhensya.
Ang mga New Zealand Response Team ay kaagapay na nakikipagtulungan at sumusuporta sa civil defence, mga serbisyong pang-emerhensya at iba pang tumutugong mga ahensya. Ang mga pangkat ay nasa buong New Zealand.
Ang National Emergency Management Agency ay kasalukuyang kumikilos sa pagbuo ng matatag at maipagpapatuloy na kakayahan at kapasidad ng mga boluntaryo para sa pamamahala ng emerhensya sa New Zealand.
Kontakin ang inyong Civil Defence Emergency Management Group upang alamin kung paano ka maaaring magboluntaryo.
Hanapin ang inyong lokal na Civil Defence Emergency Management (CDEM) Group.
Ang National Emergency Management Agency ay kasalukuyang kumikilos sa pagbuo ng matatag at maipagpapatuloy na kakayahan at kapasidad ng mga boluntaryo para sa pamamahala ng emerhensya sa New Zealand. Ang National Emergency Management Agency, kaagapay ng Fire Emergency New Zealand, New Zealand Police, New Zealand Search and Rescue at ang Ministri ng Kalusugan ay nakatuon sa paggawa ng isang modelo na akma sa layunin at sapat na pleksible upang matugunan sa hinaharap ang mga hamon sa pagtugon at pagpanumbalik sa dati.
Ang Volunteering New Zealand (VNZ) ay isang samahan ng boluntaryong mga sentro at pambansang organisasyon at iba pa na nakatuon sa pagboluntaryo.
Maiuugnay ka ng VNZ sa ilang mga oportunidad sa pagboboluntaryo.
Magboluntaryo sa inyong komunidad. Ang Volunteering New Zealand ay isang samahan ng mga sentro ng pagboboluntaryo at pambansang organisasyon na nakatuon sa pagboboluntaryo.
Sumali o bumuo ng isang Neighbourhood Support Group dahil ikaw at ang iyong mga kapitbahay ay maaaring magbahaginan ng mga kasanayan at mapagkukunan upang kayo ay makaraos sa emerhensya.
Ang mga Neighbourhood Support Group ay nakakapagsama-sama ng mga lokal na tao upang lumikha ng ligtas, masuporta at magkaugnay na mga komunidad, na nakikipagtulungang mabuti sa Pulisya at sa iba pang mga pangkomunidad na organisasyon.
Sumali sa isang Neighbourhood Support Group sa website ng Neighbourhood Support o tumawag sa 0800 463 444.
Tulungang panatilihing ligtas ang iyong pamilya, mga kaibigan at komunidad sa pamamagitan ng pakikisangkot sa kahandaan sa emerhensya.