Panatilihing ligtas ang iyong sarili, ang iyong pamilya, kaibigan at komunidad laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagpapabakuna.

Maghandang magbukod sa bahay

Maaari ka nang maghanda ngayon ng kailangan mong gawin kung ikaw ay magka-COVID-19. Ang pagiging handa ay tungkol sa mga tao, usapan, ugnayan at pag-alam ng gagawin. Ang pagiging handa ay nangangahulugan na maaaring magtulungan ang iyong pamilya at komunidad kung kailangan.

Kung ikaw ay nagpositibo sa COVID-19, ikaw at ang lahat ng iyong kasambahay ay kailangang magbukod upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Karamihan sa mga taong may COVID-19 ay malamang magkaroon ng banayad o katamtamang karamdaman. Maaari silang magbukod nang sarili at magpagaling nang lubos sa sarili nilang bahay, o sa angkop na alternatibong akomodasyon, na may suporta mula sa lokal na mga healthcare provider.

Magplano

Kailangan mong alamin ang iyong gagawin sakaling ang isang tao sa iyong sambahayan ay magpositibo sa COVID-19. Ang iyong buong sambahayan ay kailangang manatili sa bahay.

Sino ang maaaring tumulong sa iyo?

Tukuyin ang mga taong nasa labas ng iyong bahay na maaaring tumulong sakaling ang iyong sambahayan ay nakabukod. Halimbawa, sa paghahatid ng mga pagkain o suplay.

May mga tao ba sa iyong sambahayan na maaaring mangailangan ng karagdagang pangangalaga o suporta? Makipag-usap sa alinmang mga in-home care kung ikaw ay may paunang kasunduan tungkol sa mangyayari kung kailangan mong magbukod. Gumawa ng mga plano kung ikaw ay may shared custody (magkasalong pangangalaga) ng isang bata o isang umaasa (dependant).

Mangangailangan ka ba ng karagdagang suporta?

Maraming tao ang kayang mamahala na may tulong mula sa mga kaibigan at whānau. Ngunit kung kailangan mo ng suporta, maaari kang iugnay ng Ministri ng Panlipunang Pag-unlad sa tamang serbisyo upang matulungan ka. Tumawag nang libre sa 0800 512 337.

Ang Work and Income (Trabaho at Kita) ay maaaring makatulong sa iyo sa mga singilin.

Ano ang iyong mga plano sa trabaho at paaralan?

Makipag-usap sa iyong tagapag-empleyo, sa paaralan ng iyong anak at sa mga grupong pangkomunidad upang malaman ang kanilang mga plano.

May kailangan ba silang anuman mula sa iyo? Masusuportahan ka ba nila? Ikaw ba o ang iyong mga anak ay maaaring magtrabaho o matuto mula sa bahay?

Ipaalam sa mga tao na ikaw ay nagbubukod

Alamin kung paano ipapaalam sa mga tao na ang iyong sambahayan ay nagbubukod. Maaaring ito ay isang karatula sa pintuan sa harapan o may poster ng QR code sa bakod upang masubaybayan ng mga tao kung saan-saan sila nagpunta.

Kung ang mga tao ay tumutulong sa mga paghahatid na walang contact, gusto mo ba silang mag-text o mag-mensahe muna bago sila dumating? Bumusina mula sa tarangkahan? Gumamit ng napagkasunduang pasukan?

Magsulat ng mga tagubilin

Magsulat ng anumang mga tagubiling pangsambahayan na madaling sundin ng isang tao kung ikaw ay magkasakit at kailangang pumunta sa isang pinamamahalang pagbubukod o ospital. Isali ang mga bagay gaya ng plano sa pagpapakain ng mga alagang hayop, pagbabayad ng mga bill at pagdidilig.

Paano mo mababawasan ang pagkalat?

Isipin kung paano mo ihahanda ang iyong bahay upang mabawasan ang pagkalat ng COVID-19. Mag-drowing ng mapa ng iyong bahay at markahan ang iyong mga sona. Halimbawa, mga pinagsasaluhang lugar, mga lugar ng pagbubukod at isang lugar ng pag-sanitise.

Panlabas na link
Unite Against COVID-19 logo

Maraming tao ang makakayanang mamahala ng pagbubukod ng sarili na may tulong mula sa mga kaibigan at pamilya, ngunit may makukuhang tulong kung kailangan mo nito. Humanap ng karagdagang suporta kung ikaw ay may COVID-19 o nagbubukod ng sarili.

Panlabas na link
Unite Against COVID-19 logo

Mag-download ng poster upang ipaalam sa mga tao na ikaw ay nagbubukod ng sarili.

Alamin ang mga suplay na kailangan ninyo

Alamin ang kailangan mo upang matulungan ang iyong sarili at ang mga taong nasa paligid mo.

  • Maglista ng impormasyon ng pamilya. Ibilang ang mga pangalan ng lahat, edad, NHI number, anumang mga kalagayang medikal at gamot na karaniwan nilang iniinom o suplay na medikal na kakailanganin ng bawat tao. Ibilang ang impormasyon ng pang-emerhensyang contact tulad ng iyong doktor, after hours at anumang mga suportang ahensya.
  • Tipunin ang mga bagay na iyong ikinasisiya. Ano ang maaaring makapigil sa pagkainip kung ikaw ay nagbubukod sa bahay?
  • Maghanda ng isang kit ng kagalingan. Ibilang ang mga panakip ng mukha, hand sanitiser, mga guwantes, tisyu, sisidlan ng basura at mga produktong panlinis.
  • Tiyaking mayroon kang mga bagay na makakatulong sa mga sintomas ng COVID-19. Gaya ng pampaginhawa ng sakit, mga kendi (lozenges) para sa lalamunan, gamot sa ubo, mga ice block at vapour rub.

Makipag-ugnay sa mga kaibigan at pamilya

Sama-sama tayong lahat dito at sama-sama tayong makakaraos.

  • Manatiling nakikipag-ugnayan. Mag-ayos ng regular na pakikipag-ugnayan sa iyong pamilya, mga kaibigan at komunidad. Kung ikaw ay nagbubukod, tiyaking ang mga ito ay gagawin sa online o sa telepono.
  • Suportahan ang iyong mga kaibigan, whānau at katrabaho sa paggawa ng kanilang plano upang maghanda.
  • Alamin kung ano ang ginagawa ng inyong komunidad. May grupo bang gumagawa ng mga pagkain upang ilagay sa freezer, nagbabahagi ng mga mungkahi sa pagpaplano o nanatili lang na may-kaalaman?

Tulungang mabakunahan ang inyong komunidad

Maaari mong tulungan ang inyong komunidad na maghanda para sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagbabakuna.

Ang pagbabakuna ay nangangahulugang ikaw ay mas malamang na hindi talagang magkakasakit at maoospital. Ikaw rin ay mas malamang na hindi magpasa ng COVID-19 sa ibang tao.

Nagpapakita ang mga pag-aaral na ang mga taong tumanggap ng dalawang dosis ng bakuna ay protektado laban sa pagkakaroon ng mga sintomas ng COVID-19.

  • Kung ikaw ay may mga kapitbahay na hindi makapunta sa pinakamalapit na sentro ng bakunahan laban sa COVID-19, bakit hindi mo sila aluking isakay?

    Isa sa mga dahilan na ang isang tao ay hindi pa nakatanggap ng bakuna laban sa COVID-19 ay dahil hindi siya makapunta sa sentro ng bakunahan. Maraming mga lugar sa buong New Zealand na makakakuha ka ng bakuna laban sa COVID-19, may appointment ka man o wala.

    Ang ilang mga lugar ng bakunahan ay tiyak na itinayo upang suportahan ang mga taong may kapansanan.

  • Mayroon ka bang mga kapitbahay na ninenerbiyos na magpabakuna laban sa COVID-19? Maaari kang mag-alok na suportahan sila sa pagpunta nila.

    Kung nabakunahan ka na laban sa COVID-19, alam mo kung gaano kadali ito. Maaaring kailangang palakasin ang loob ng iyong mga kapitbahay tungkol sa aasahang mangyari sa kanilang appointment.

    Maaari kang maging shot-buddy (kaibigan sa pag-iniksyon) at samahan ang iyong kapitbahay para suportahan siya.

  • Kung ikaw ay mga kapitbahay na hindi bakunado laban sa COVID-19, maaaring kailangan nila ng taong mag-aalaga sa mga bata.

    Ang mga magulang at tagapag-alaga ng mga abalang pamilya ay maaaring hindi pa nagkaroon ng pagkakataong makaalis para magpabakuna. Maaari kang makatulong na gawing mas madali nang kaunti ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng pag-alok na alagaan ang mga bata para ang mga magulang ay makapagpabakuna.

  • May alam ka bang isang tao na nag-aalala na baka masakit ang bakuna laban sa COVID-19? Sabihin mo sa kaniya na hindi ito kasing-sama ng iniisip niya.

    Ang pagkuha ng bakuna laban sa COVID-19 ay mabilis at madali. Maaaring nerbiyusin ka sa pagbabakuna, lubos na normal lang ito.

    Ang isang lubos na sinanay na tagapagbakuna ang magbibigay sa iyo ng bakuna sa itaas ng iyong braso, at matatapos ito nang napakabilis. Pagkatapos ay kailangan mong maghintay nang mga 15 minuto upang matiyak namin na wala kang kagyat na reaksyon.

Panlabas na link
Unite Against COVID-19 logo

Lahat sa Aotearoa New Zealand na may edad 5 taon pataas ay maaaring mag-book ngayon ng kanilang libreng pagbabakuna laban sa COVID-19.

Panlabas na link
Unite Against COVID-19 logo

Maraming mga lugar sa buong New Zealand kung saan makakakuha ka ng bakuna laban sa COVID-19 nang walang appointment. Humanap ng malapit na sentro ng bakunahan.

Panlabas na link
Unite Against COVID-19 logo

Alamin ang mangyayari sa iyong mga appointment para sa pagbabakuna laban sa COVID-19.

Panlabas na link
Unite Against COVID-19 logo

Kailangan nating lahat ng tama at mapagkakatiwalaang impormasyon kapag gumagawa tayo ng desisyon para sa ating sarili at sa ating pamilya. Maaari kang matuto dito mula sa mga dalubhasa at makakuha ng mga sagot tungkol sa mga popular na paksa.

Maghanda

May ilang madaling mga hakbang na iyong magagawa upang tiyaking ikaw at ang iyong pamilya ay handa na upang makaligtas.