Ang iyong mga hayop ay iyong responsibilidad. Kailangang isali mo sila sa iyong pang-emerhensyang pagpaplano at paghahanda.
Ang Ministri para sa Pangunahing mga Industriya (MPI) ay may payo para sa paghahanda ng plano para sa iyong mga hayop. Kinabibilangan ito ng mga tseklist para sa iba’t ibang uri ng hayop at iba’t ibang mga emerhensya. Pag-aralan ang mga tseklist para bumuo ng iyong plano.
Ang plano ng bawat sambahayan ay magkakaiba, dahil sa lugar na ating tinitirhan, sino ang kasambahay natin at sino ang maaaring mangailangan ng ating tulong.