Alamin ang tungkol sa Emergency Mobile Alert. Ang mga Emergency Mobile Alert ay pinapanatiling ligtas ang mga tao. Ang mga alert ay ibinobrodkast sa lahat ng mga capable phone (may kakayahang telepono) mula sa tinarget na mga cell tower.

People stopping their wedding, vacumming and playing with their dog to check their phones for an Alert. Text reads Emergency Mobile Alert Nationwide Test May 26

Mga pambuong bansang pagsusuri

Humanap ng impormasyon at mga resulta tungkol sa mga pambuong bansang pagsusuri ng Emergency Mobile Alert.

Mga pambuong bansang pagsusuri
A series of progressively modern phones with large exclamation marks on their screens

FAQs (Mga Madalas Itanong)

Humanap ng makakatulong na mga sagot sa madalas itanong tungkol sa Emergency Mobile Alert.

FAQs (Mga Madalas Itanong)

Paano makakakuha ng Emergency Mobile Alert

Upang makakuha ng mga Emergency Mobile Alert, kailangan mo ng isang teleponong may kakayahang tumanggap ng mga ito. Kailangan ding ang telepono ay may cell reception at up-to-date na software. Hindi mo kailangang mag-download ng app o mag-subscribe sa isang serbisyo.

  1. Tingnan kung ang iyong telepono ay nasa listahan ng mga capable phone.(external link) 
  2. Mag-update ng operating system software ng iyong telepono.

Mangyaring sumangguni sa manwal ng iyong telepono o makipag-usap sa iyong mobile operator kung kailangan mo ng tulong sa pag-update ng iyong telepono.

Maaari ba akong mag-opt out (umurong) sa Emergency Mobile Alert?

Dahil ang Emergency Mobile Alert ay tungkol sa pagpapanatili ng iyong kaligtasan, hindi mo makakansela ang pagtanggap ng mga Emergency Mobile Alert.

Hindi namin tinatarget ang mga partikular na telepono, sa halip, kami ay nagbobrodkast sa isang tinarget na pook na nasa panganib. Dahil dito, hindi namin maaaring ipuwera ang iyong partikular na telepono.

Ang iyong telepono ay maaaring magpakita ng mga opsyonal na setting na gamit sa ibang bansa, ngunit sa New Zealand, ginagamit namin ang espesyal na broadcast channel na permanenteng bukas.

Emergency Mobile Alert Feedback (Mga Komento tungkol sa Emergency Mobile Alert)

Magbigay sa amin ng komento (feedback) tungkol sa Emergency Mobile Alert. Ang impormasyong kinolekta sa survey na ito at tutulong sa amin na makagawa ng patuloy na pagpapabuti ng sistema.

MAGBIGAY NG KOMENTO TUNGKOL SA EMERGENCY MOBILE ALERT
Person holding a phone with unreadabale text and button that says submit