Nagsulat kami ng makakatulong na mga sagot sa mga madalas itanong tungkol sa Emergency Mobile Alert.
Ang Emergency Mobile Alert ay isang paraan ng pagtanggap ng impormasyon tungkol sa mga emerhensya sa inyong pook. Kung nanganganib ang iyong buhay, kalusugan o propyedad, ang mga Emergency Mobile Alert ay maaaring ipadala sa iyong mobile. Hindi mo kailangang mag-sign up o mag-download ng app.
Ang Emergency Mobile Alert ay ibinobrodkast sa lahat ng mga capable phone mula sa tinarget na mga cell tower. Ang mga alert ay tatarget sa mga pook na apektado ng mga malubhang peligro.
Hindi mo kailangang mag-download ng app o mag-subscribe sa isang serbisyo. Tiyakin lang na ang iyong telepono ay may kakayahan at ang operating system software ay up to date. Kung naka-on ang iyong telepono, may kakayahan at nasa loob ng tinarget na lokasyon, ikaw ay dapat makatanggap ng mga alert.
Kung ikaw ay tumanggap ng alert, basahin ang mensahe at tratuhin ito nang seryoso. Ito ay magsasabi sa iyo kung ano ang emerhensya at ano ang dapat gagawin. Magsasabi rin ito sa iyo kung aling ahensya ang nagpadala ng mensahe at, kung kailangan, saan ka makakahanap ng karagdagang impormasyon.
Tingnan ang listahan ng mga capable phone
Ang mga awtorisadong ahensya lamang ang maaaring magpadala ng mga Emergency Mobile Alert. Ang mga ahensya ay magpapadala lamang ng mga alert kapag may malubhang banta sa buhay, kalusugan o propyedad. Ang mga ahensya ay maaari ring magpadala ng naka-iskedyul na pagsusuri ng mga alert.
Ang tanging mga ahensyang awtorisado sa kasalukuyan upang mag-isyu ng mga alert ay ang:
Tutukuyin ng mensaheng alert ang ahensyang nagpapadala ng Emergency Mobile Alert.
Ang Emergency Mobile Alert ay dinisenyo upang panatilihing ligtas ang mga tao kung may emerhensya. Ang mga alert ay ipapadala lamang kapag may mga malubhang banta sa buhay, kalusugan o propyedad, at sa ilang mga kaso, para sa layunin ng pagsusuri.
Halimbawa, maaaring gamitin ang Emergency Mobile Alert upang balaan ka ng mga malubhang banta gaya ng:
Ang mga Emergency Mobile Alert ay hindi gagamitin para sa mga pag-aanunsiyo o promosyon.
Ang Emergency Mobile Alert ay pinili dahil maaasahan ito sa isang emerhensya. Ang Emergency Mobile Alert ay gumagamit ng isang nakatalagang senyal. Hindi ito naaapektuhan ng pagsisikip ng network.
Di-tulad ng mga mensaheng text, ang Emergency Mobile Alert ay may seguridad at hindi nangangailangan ng mga pribadong detalye ng mga tumatanggap.
Ang Emergency Mobile Alert ay libre at madaling gamitin — hindi kailangang mag-download ng app o mag-subscribe sa isang serbisyo. Inaasahan namin na ang karamihan sa mga bagong teleponong ipagbibili ng mga mobile network operator sa New Zealand ay may kakayahang tumanggap ng mga Emergency Mobile Alert.
Hindi. Ang mga Emergency Mobile Alert ay hindi para ipalit sa ibang mga emergency alert, o sa pangangailangang gumawa ng aksyon makaraan ang mga likas na babala.
Kailangan mo pa ring maghanda para sa emerhensya at hindi ka dapat maghintay na makatanggap ng alert bago ka kumilos. Kung sa palagay mo ay nasa panganib ang iyong buhay, huwag maghintay ng opisyal na babala. Kumilos kaagad.
Tiyaking may sarili kang pang-emerhensyang plano na kabibilangan ng:
Hindi. Ang Emergency Mobile Alert system ay ginagamit lamang para magbrodkast ng mga mensahe. Hindi ginagamit ng Emergency Mobile Alert ang iyong mobile phone number. Imposible para sa Emergency Mobile Alert na mangolekta ng impormasyon tungkol sa iyo, sa paggamit mo ng iyong cell phone o sa iyong lokasyon.
Maraming dahilan kung bakit hindi ka nakatanggap ng mensaheng Emergency Mobile Alert. Dahil dito, hinihikayat namin ang lahat na umasa sa iba’t ibang paraan upang manatiling may kaalaman.
Tingnan kung ang iyong telepono ay up to date at kayang tumanggap ng Emergency Mobile Alert.
Kabilang sa iba pang posibleng dahilan sa hindi pagtanggap ng alert ay dahil ang iyong telepono ay:
Kung ang iyong telepono ay lumipat mula sa 3G tungo sa 4G network sa oras ng pagbrodkast, tatanggap ka ng alert mula sa dalawang network. Ganyan din ang mangyayari kapag nag-on at off ka ng flight mode. O nag-off at on ka ng iyong telepono sa oras ng pagbrodkast.
Ilang mga telepono ay may opsyonal na paalala sa alert na naka-on. Maaari itong maging sanhi ng paulit-ulit na pag-alarma ng telepono sa oras ng pagbrodkast. Kung ang iyong telepono ay may paalala sa alert, mahahanap mo ito sa Wireless Alerts/Broadcast Alerts/Emergency Alerts settings — alinman sa mga pangalang ito ay maaaring gamitin.
Kung ikaw ay tumanggap ng Emergency Mobile Alert, maaaring makita pa rin ito sa iyong telepono.
Bagama’t bawat teleponong android ay magkakaiba, ang mga emergency alert ay karaniwang matatagpuan sa iyong ‘Messages’ app.
Halimbawa:
Para sa mga gumagamit ng iPhone, ang alert ay nasa iyong notifications. Maa-access mo ang iyong notifications sa pamamagitan ng pag-swipe down mula sa itaas ng iyong screen. Kung na-delete mo ang iyong notifications, madi-delete mo rin ang alert.
Ang Emergency Mobile Alert system ay batay sa internasyonal na istandard. Ang broadcast channel na aming ginagamit ay madalas tawaging Presidential Alert sa ibang bansa.
Nakipagtulungan kami sa mga tagagawa ng telepono at mga mobile network operator sa New Zealand upang sa halip ay gamitin ang salitang Emergency Alert. Gayunpaman, ang ilang mga teleponong nauna sa panahong ito, o binili sa ibang bansa, ay gagamit ng Amerikanong internasyonal na istandard at magdidispley ng Presidential Alert.
Upang makatanggap ng mga Emergency Mobile Alert, kailangang may telepono kang may kakayahang tumanggap ng mga ito. Kailangan ding ang telepono ay may cell reception at up-to-date na software. Hindi mo kailangang mag-download ng app o mag-subscribe sa isang serbisyo.
Mangyaring sumangguni sa manwal ng iyong telepono o makipag-usap sa iyong mobile operator kung kailangan mo ng tulong sa pag-update ng iyong telepono.
Inaasahan namin na karamihan sa mga telepono ay makakayang tumanggap ng mga alert. At inaasahan namin na magkakaroon ng mas maraming capable phone sa paglipas ng panahon.
Dahil ang Emergency Mobile Alert ay tungkol sa pagpapanatiling ikaw ay ligtas, hindi ka makakaurong sa pagtanggap ng Emergency Mobile Alert.
Hindi namin tinatarget ang mga partikular na telepono, sa halip, kami ay nagbobrodkast sa isang tinarget na pook na nasa panganib. Dahil dito, hindi namin maaaring ipuwera ang iyong partikular na telepono. Ang Emergency Mobile Alert ay hindi gagamit ng numero ng iyong mobile phone o mangongolekta ng impormasyon tungkol sa iyo.
Ang iyong telepono ay maaaring magpakita ng mga opsyonal na setting na gamit sa ibang bansa, ngunit sa New Zealand, tayo ay gagamit ng natatanging broadcast channel na permanenteng nakabukas.
Ang Emergency Mobile Alert ay hindi pumapalit sa iba pang mga emergency alert.
Ang Emergency Mobile Alert ay karagdagang paraan upang panatilihing ligtas ang mga tao sa isang emerhensya. Hindi nito pinapalitan ang iba pang mga sistema ng pag-alerto o ang pangangailangang gumawa ng aksyon makaraan ang mga likas na babala.
Ikaw ay dapat ring maging handa para sa isang emerhensya, at hindi mo dapat hintaying tumanggap ng babala bago ka kumilos. Kung sa palagay mo ay nasa panganib ang iyong buhay, huwag maghintay ng opisyal na babala. Kumilos kaagad.
Maglaan ng oras upang gumawa ng iyong sariling pang-emerhensyang plano na kabibilangan ng:
Makipag-ugnay sa inyong lokal na Civil Defence Emergency Management Group upang alamin ang iba pang mga sistema ng pag-alerto sa inyong pook.
Hindi, hindi ka makakasagot sa mensahe o kumontak ng mga pang-emerhensyang serbisyo gamit ang sistemang ito. Sa isang emerhensya, mangyaring tumawag sa 111.
Kung bibili ng bagong telepono, hanapin ang Emergency Mobile Alert Identification Mark. Maaari mo ring itanong sa iyong mobile service provider.
Tingnan ang listahan ng mga capable phone.
Ang mga Emergency Mobile Alert ay hindi kaagad makukuha sa lahat ng mga telepono. Sa paglipas ng panahon, inaasahan namin na maraming mga mobile phone ang magiging capable phone para sa Emergency Mobile Alert. Tingnan kung ang iyong telepono ay Emergency Mobile Alert capable.
Inaasahan namin na dadami ang mga Emergency Mobile Alert capable phone sa paglipas ng panahon. Inaasahan namin na ang karamihan sa mga bagong teleponong ipagbibili ng mga mobile network operator sa New Zealand ay may kakayahang tumanggap ng mga Emergency Mobile Alert.
Hindi. Ang Emergency Mobile Alert ay gumagamit ng mga network para sa mobile phone sa New Zealand. Ang mga alert ay maaari lamang ibrodkast sa mga mobile phone na may kakayahang tumanggap ng mga ito.
Ang Emergency Mobile Alert ay dapat gumana sa mga pook na may cell reception. Halos 97% ng mga pook na may populasyon ay nakakakuha ng cell reception. Ang mga mobile service provider ay nakikipagtulungan upang pabutihin ang saklaw ng mobile sa lahat ng oras.
Maaaring hindi gumana ang Emergency Mobile Alert kung ang mga mobile phone tower ay napinsala o kung walang kuryente. Dahil dito, dapat ka ring umasa sa iba pang mapagkukunan ng impormasyon.
Ang Emergency Mobile Alert ang tanging paraan ng pag-alam tungkol sa mga malubhang banta. Tiyaking ikaw ay may pang-emerhensyang plano at alam mo kung saan hahanap ng karagdagang impormasyon sa oras ng emerhensya.
Dapat kang huminto sa gilid ng kalsada at basahin ang mensahe sa lalong madaling panahon kung ligtas na gawin ito. Kung ikaw ay may pasahero, hilingan siyang basahin ang alert kaagad. Huwag tangkaing basahin ang alert habang nagmamaneho.
Ang pagtanggap ng mga Emergency Mobile Alert ay libre. Wala kang babayaran. Hindi mo kailangang mag-download ng app o mag-subscribe sa isang serbisyo.
Hindi. Ang mga teleponong may kakayahang tumanggap ng mga Emergency Mobile Alert ay hindi dapat maging mas mahal dahil sa katangiang ito.
Sa ngayon ang Emergency Mobile Alerts ay makukuha lamang sa wikang Ingles.
Ang pag-access sa Emergency Mobile Alerts ay magkakaiba-iba depende sa yari at modelo ng iyong mobile phone.
Hindi. Ang Emergency Mobile Alert ay hindi maibobrodkast sa mga teleponong konektado sa isang Sure Signal device.
Dahil sa pandemyang COVID-19, ang 2020 at 2021 na pambuong bansang pagsusuri ng Emergency Mobile Alert system ay nakansela.
Ang pagsusuri ay mahalagang bahagi ng pagtiyak na ang Emergency Mobile Alert system ay gumagana nang mahusay.
Ang nakaraang mga pagsusuri ay ipinadala sa mga cell tower sa buong New Zealand. Inaasahan namin na humigit-kumulang sa apat na milyong telepono ay may kakayahang tumanggap ng alert.
Ang mga pagsusuri ay nagpapahintulot sa amin na suriin ang sistema, mga cell tower at ang kakayahan ng iyong telepono na tumanggap ng alert.
Kung hindi mo gustong magambala, mangyaring mag-off ng iyong telepono o ilipat ito sa Flight Mode sa oras ng pagsusuri.
Ang iyong telepono ay kailangang may aktibong koneksyon sa mobile network. Hindi ka tatanggap ng Emergency Mobile Alert kung ang iyong telepono ay naka-off o naka-Flight Mode.
Maaaring pawalang-saysay ng Emergency Mobile Alert ang mga Do Not Disturb at Silent Mode.
Hanapin ang inyong lokal na Civil Defence Emergency Management (CDEM) Group.
I-download ang papel-kaalamang ito na nagpapaliwanag sa Emergency Mobile Alert system.
I-download ang papel-kaalamang ito na nagpapaliwanag sa Emergency Mobile Alert system.
Ang mga Emergency Mobile Alert ay pinapanatiling ligtas ang mga tao. Ang mga alert ay ibinobrodkast sa lahat ng mga capable phone (may kakayahang telepono) mula sa tinarget na mga cell tower.