Ang pambuong bansang pagsusuri ng Emergency Mobile Alert system ay mahalagang bahagi ng pagtiyak na ang sistema ay gumagana nang mahusay. Hanapin ang mga resulta at impormasyon tungkol sa pambuong bansang mga pagsusuri.
Ang pambuong bansang pagsusuri ay mahalagang bahagi ng pagtiyak na ang Emergency Mobile Alert system ay gumagana nang mahusay.
Ang pambuong bansang pagsusuri ay ipinapadala sa mga cell tower sa buong New Zealand. Inaasahan namin na ang karamihan sa mga telepono ay may kakayahang tumanggap ng alert.
Noong 2017, 2018 at 2019 nakatanggap kami ng libu-libong mga komento mula sa mga tao. Tumulong sa amin ang mga ito upang pabutihin ang Emergency Mobile Alert system.
Ang pinakahuling pambuong bansang pagsusuri ay noong gabi ng ika-24 ng Nobyembre 2019. Dahil sa pandemyang COVID-19, ang 2020 at 2021 na pambuong bansang pagsusuri ng Emergency Mobile Alert system ay nakansela.
Mag-subscribe sa email tungkol sa mga gagawing pambuong bansang pagsusuri ng Emergency Mobile Alert. Tatanggap ka ng email sa sandaling mapagpasyahan ang petsa para sa pagsusuri.
Makaraan ang 2018 na pambuong bansang pagsusuri, ang Ministri ng Civil Defence & Emergency Management ay nagkomisyon ng isang independiyenteng survey.
Ang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng pag-interbyu sa 1000 tagagamit ng mobile phone sa New Zealand na may edad na 15 taon pataas. Ang survey ay kaagad isinagawa makaraan ang 2018 na pambuong bansang pagsusuri sa pagitan ng ika-26 ng Nobyembre at ika-9 ng Disyembre 2018.
May isang survey din na isinagawa makaraan ang 2019 na pambuong bansang pagsusuri ng Emergency Mobile Alert.
Tiningnan ng survey ang isang hanay ng mga salik.
Basahin sa wikang Ingles ang mga resulta ng survey para sa 2018 at 2019 na pambuong bansang pagsusuri ng Emergency Mobile Alert.