(Isang taong naka-bata at tsinelas ay nagba-vacuum ng kanyang bahay sa harapan ng isang bintana.)

Beep Beep [Pang-alarmang tunog ng emerhensya sa telepono]

(Kinapa ng tao ang telepono sa kanyang bulsa at itinaas ito. Nag-ilaw ang telepono ng kulay-dilaw na may malaking tandang pandamdam.)

Upang ikaw ay manatiling ligtas kung may emerhensya—

(Patuloy pa ring umaandar nang mag-isa ang vacuum cleaner at nagsimulang sipsipin ang mga kurtina.)

—lahat ng mga compatble na mobile phone ay tumatanggap na ngayon ng mga Emergency Mobile Alert.

(Ang taong nagba-vacuum ay napalitan ng dalawang tao na ikinakasal ng isang celebrant.)

Beep Beep [Pang-alarmang tunog ng emerhensya sa telepono]

(Habang yumuyuko ang lalaki para halikan ang babae, kinuha nilang dalawa at ng celebrant ang kanilang mga telepono sa kanilang mga bulsa. May isang taong bumulalas at lahat ng mga telepono ay nag-ilaw ng kulay-dilaw na may malaking tandang pandamdam. Nagsimulang matumba ang lalaki sa kanyang bagong asawa.)

(Nawala ang dalawang taong ikinakasal. Isang frisbee ang lumipad galing sa kaliwa ng screen. May mga puno sa paligid at mga ulap sa langit. Hinahabol ng isang aso ang frisbee at isang babaing nakasuot ng pantakbo ay humahabol sa aso. Dinala ng aso sa babae ang frisbee at tinapik niya ang ulo ng aso.)

Kaya kapag narinig mo ang tunog na ito—

(Kinuha ng babae ang frisbee mula sa aso at hinagis ito para saluhin ng aso.)

Beep Beep [Pang-alarmang tunog ng emerhensya sa telepono]

(Sa pagsisimula ng pang-alarmang tunog ng emerhensya, natigil ang aso sa gitna ng paglundag at hindi niya naabot nang husto ang frisbee. Inilabas ng babae ang kanyang telepono at itinaas ito. Nag-ilaw ito ng kulay-dilaw na may malaking tandang pandamdam.)

—itigil ang iyong ginagawa at sundin ang mga tagubilin.

(Tumingin ang aso sa babae.)

(Nawala ang babae at aso. Lilitaw ang isang dilaw na triangle na may tandang pandamdam. Kumilos ito nang pakanan at naging logo ng Emergency Mobile Alert. Lilitaw sa ilalim nito ang mga salitang 'Stop doing what you’re doing'. Lilitaw din ang mga salitang 'Find out more at civildefence.govt.nz’.

Beep Beep [Pang-alarmang tunog ng emerhensya]

Ano ang Emergency Mobile Alert?

Ang mga Emergency Mobile Alert ay mga mensahe tungkol sa mga emerhensya. Ang mga mensahe ay ipapadala ng mga awtorisadong pang-emerhensyang ahensya sa mga capable na mobile phone. Ang mga alert ay pinapanatiling ligtas ang mga tao at ibinobrodkast sa lahat ng mga capable phone mula sa tinarget na mga cell tower.

Ang mga alert ay tumatarget sa mga pook na apektado ng grabeng mga peligro. Ang mga mensahe ay ipapadala lamang kapag may malubhang banta sa buhay, kalusugan o propyedad, at sa ilang mga kaso, para sa layunin ng pagsusuri.

Emergency Mobile Alert Feedback (Mga Komento tungkol sa Emergency Mobile Alert)

Magbigay sa amin ng komento (feedback) tungkol sa Emergency Mobile Alert. Ang impormasyong kinolekta sa survey na ito at tutulong sa amin na makagawa ng patuloy na pagpapabuti ng sistema.

Magbigay ng komento tungkol sa Emergency Mobile Alert
Logo ng Emergency Mobile Alert

Paano makakakuha ng Emergency Mobile Alert

Upang makakuha ng mga Emergency Mobile Alert, kailangan mo ng isang teleponong may kakayahang tumanggap ng mga ito. Kailangan ding ang telepono ay may cell reception at up-to-date na software. Hindi mo kailangang mag-download ng app o mag-subscribe sa isang serbisyo.

  1. Tingnan kung ang iyong telepono ay nasa listahan ng mga capable phone. 
  2. Mag-update ng operating system software ng iyong telepono.

Mangyaring sumangguni sa manwal ng iyong telepono o makipag-usap sa iyong mobile operator kung kailangan mo ng tulong sa pag-update ng iyong telepono.

Inaasahan namin na kalahati ng mga telepono sa New Zealand ay makakayang tumanggap ng mga alert. Inaasahan naming dadami pa ito sa paglipas ng panahon.

Maaari ba akong mag-opt out (umurong) sa Emergency Mobile Alert?

Dahil ang Emergency Mobile Alert ay tungkol sa pagpapanatili ng iyong kaligtasan, hindi mo makakansela ang pagtanggap ng mga Emergency Mobile Alert.

Hindi namin tinatarget ang mga partikular na telepono, sa halip, kami ay nagbobrodkast sa isang tinarget na pook na nasa panganib. Dahil dito, hindi namin maaaring ipuwera ang iyong partikular na telepono.

Ang iyong telepono ay maaaring magpakita ng mga opsyonal na setting na gamit sa ibang bansa, ngunit sa New Zealand, ginagamit namin ang espesyal na broadcast channel na permanenteng bukas.

Karagdagang impormasyon at mapagkukunan

Panlabas na link
Emergency Mobile Alert logo

Magbigay sa amin ng komento (feedback) tungkol sa Emergency Mobile Alert. Ang impormasyong kinolekta sa survey na ito ay ginamit upang gumawa ng patuloy na pagpapabuti sa platform ng pag-alerto.

Panloob na link
Speech bubbles with question marks in them

Nagsulat kami ng makakatulong na mga sagot sa mga madalas itanong tungkol sa Emergency Mobile Alert.

Dokumento
Emergency Mobile Alert logo

Basahin sa wikang Ingles ang Pahayag ng Direktor sa mga Pamantayan ng Emergency Mobile Alert Device. Ipinapaliwanag nito ang mas ginugustong mga pamantayan ng mobile device para sa pagpapadala ng emergency alert sa New Zealand.

Papel-kaalaman
Emergency Mobile Alert logo

I-download ang papel-kaalamang ito na nagpapaliwanag sa Emergency Mobile Alert system.

Papel-kaalaman
Emergency Mobile Alert logo

I-download ang papel-kaalamang ito na nagpapaliwanag sa Emergency Mobile Alert system.

Maghanda

May ilang madaling mga hakbang na iyong magagawa upang tiyaking ikaw at ang iyong pamilya ay handa na upang makaligtas.