Pangkalahatang patakaran ng website sa pribasya

Ikaw ay maaaring mag-browse at um-access ng impormasyon na taglay ng website na ito nang hindi ka na magbibigay ng anumang personal na impormasyon. Kung saan ikaw ay kusang nagbigay ng impormasyon (hal. sa pamamagitan ng mga form sa online), gagamitin lamang namin ang impormasyong iyon upang magsagawa ng anumang transaksyon sa iyo. Pananatilihin naming ligtas ang ganitong impormasyon at hindi ito isisiwalat sa anumang ikatlong partido, maliban kung may awtorisasyon ng batas.

Kung ikaw ay may anumang mga alalahanin tungkol sa personal na impormasyong hawak namin, mangyaring sumulat sa:

The Privacy Officer
Department of the Prime Minister and Cabinet
Parliament Buildings
Wellington

o mag-email sa information@dpmc.govt.nz

Patakaran sa pribasya ng New Zealand ShakeOut

Ang website ng New Zealand ShakeOut (ang “Site”) ay pinangangasiwaan ng National Emergency Management Agency na isang independiyenteng ahensya ng kagawaran na nasa ilalim ng Department of the Prime Minister and Cabinet (ang “Department”). Ang patakaran sa pribasya na ito ay nagpapahintulot sa mga tagagamit ng Site na malaman kapag kami ay kumukulekta ng personal na impormasyon at kung ano ang gagawin namin sa mga ito.

Ikaw ay maaaring mag-browse at um-access ng impormasyon na taglay ng website na ito nang hindi ka na magbibigay ng anumang personal na impormasyon.

Kung ikaw ay nagbigay sa amin ng impormasyon (kabilang ang personal na impormasyon) (hal. sa mga form sa online), gagamitin lamang namin ang impormasyong ito upang:

  • mangasiwa, magtasa, magpabuti at bigyang-seguridad ang aming nga sistema ng ICT, ang aming website, at ang impormasyong taglay ng aming website (para sa layuning ICT at website);
  • pabutihin ang aming mga serbisyo; at
  • aksyunan o tumugon sa ibinigay na impormasyon at makipagkomunikasyon sa iyo.

Pananatilihin naming ligtas ang ganitong impormasyon at maaari itong ibahagi sa ikatlong mga partido kung kinakailangan para sa mga serbisyong kanilang ibinibigay sa amin kaugnay sa mga layunin ng ICT at website.

May software kami upang subaybayan kung anong mga page ang binisita upang matukoy ang pinaka-popular na lugar sa aming website. Ang impormasyon ay pinagsasama-sama at hindi namin maaaring tukuyin ang mga indibidwal na bisita.

Ikaw ay may karapatang humiling ng kopya ng anumang personal na impormasyon na hawak namin tungkol sa iyo, at humiling na itama ito kung sa palagay mo ay mali ito. Kung nais mong humiling ng kopya ng iyong impormasyon, o upang itama ito, o ikaw ay may anumang mga alalahanin tungkol sa personal na impormasyong hawak namin, mangyaring mag-email sa information@dpmc.govt.nz o sumulat sa:

The Privacy Officer
Department of the Prime Minister and Cabinet
Parliament Buildings
Wellington

Tungkol sa website na ito